Ang Pagiging Isang Estudyante
Ano nga ba ang buhay estudyante? Mahirap
ba? Madali? o tama lang? Alam na siguro natin ang pakiramdam ng pagiging isang
estudyante, Hindi madali ang buhay estudyante, lalo na kapag sabay-sabay ang
mga gagawing proyekto, takdang-aralin, mga report, at meron pang pag
pa-practice ng sayaw sa P.E., dagdag pa natin ang pag re-review para sa exam.
Ang hirap tuloy mag isip kung ano ang uunahin. Sa paggawa natin ng mga ito ay
dumadagdag pa ang problema sa puyat, kalaban mo pa ang antok. Kaya minsan late
nang makapasok sa umaga. Minsan naman ay dadagdag pa ang mga bayarin na nag
papabigat sa bulsa.
Sa pag aaral,
hindi rin nawawala ang pangongopya, nandyan pa rin ang lumiliban sa klase dahil
sa tamad nang pumasok. Ang iba naman lumiliban dahil sa pag lalaro ng mga
Online Games. binabalewala nila ang pag hihirap ng kanilang mga magulang para
lang makapag aral sila., Hindi rin nawawala ang mga ligawan, mayroon pang mga
nag lalakad na nakaholding hands at pa sway sway pa. Sa buhay
estudyante ay hindi lang puro hirap sa pag aaral, nandyan parin ang kasiyahan.
Hindi rin nawawala sa barkada ang gumimik, pero minsan lang naman kung baga
konting pagliliwaliw. Masaya rin kapag pati ang instructor ay kasama mo sa
lokohan, at kapag may Tour ang buong klase. Maraming bagay ang masasaya basta
lahat ay nagkakasundo.
Kailangan lang
natin ng pagsisikap, maging masipag na estudyante, may determinasyon dahil mas
masarap parin sa pakiramdam kapag natapos mo ang ilang taong pag-aaral mo sa
kolehiyo, iyon bang aakyat ka sa stage at pinagmamalaki ng magulang. Sila ang
walang sawang sumusuporta at gumagabay na walang ibang hiniling kundi ang
mabigyan tayo ng magandang kinabukasan .